政治家和选举,投票自由和积极参与民主,为改变而投票全民投票在线
Pagiging popular ng Pilipinas

Pilipinas hanggang saan; hanggang kelan kita mamahalin

Pagiging popular ng Pilipinas, tulad ko 71%

Flag CeremonyMatagal na akong namamalagi dito sa London, tuwing maalaala ko ang nakaraan na buhay ko sa Pinas gusto kong malungkot at matuwa, tuwing umaga na magbubukas ako ng aking Laptop upang panoorin ang paborito kung programa ni tiyang Amy (face to face) napapangiti ako, halos walang pinagbago ang bansang 3 decada ko na rin iniwan.

 

Sa tagal ko na sa bansang ito, naging bahagi na ako ng kultura at pag-iisip pero kadalasan lagi kong ikinokumpara ang ating bansa, lalo na sa probinsya ng Pangasinan na aking kinagisnan, kay sarap damhin ang simoy ng hangin sa umaga, singhutin ang amoy ng piniritong tuyo o tinapang galonggong at ang amoy ng sinangag na kanin sa bawang.

 

Napakasarap ng pakiramdam pag ikaw ay papasyalan ng mga kamag-anak na maski walang wala sa buhay nagagawa pa nilang magbitbit ng maski ano para sa iyo, (mangga,suman,kakanin,gulay at iba pa) sa mga bagay na ito, nararamdaman mo ang pagiging isang Pinoy, bagay na halos nakalimutan ng i-appreciate ng ibang nangibang bansa, dahil sa tingin nila ay barya lang ang kapalit ng mga bagay na kaya nilang ibigay bilang pasalubong.

 

Mgbasa nang higit pa: DEFINITELY FILIPINO (July 23, 2011)


martina -
标示no spam

ElectionsMeter 不对评论的内容负责。请您参考发表该评论的用户和作者。任何在ElectionsMeter 发布的评论都有包含原始的作者名字。用户必须遵守关于著作权限的相关规定。请您参阅我们网站上公布的相关政策。

 
load menu